Tuesday, August 18, 2015

Si Anne, Si Neneng at Si Des - Part VI

Chapter 6

Biyernes ng hapon, tumawag ng meeting ang coordinator ng outing kasama ang ilang bigating mga pinuno ng aming company. Di pala sa batangas ang plano kundi sa isang resort sa Mt. Makiling. Kamag-anak daw ng may-ari ng aming kumpanya ang owner ng resort kaya 50% ang diskwento. Binigyan kami ng konting briefing at ideas kung ano ang meron dun sa nasabing resort na halos daw nasa kalagitnaan na ng kabundukan. Pinagdadala kami ng tamang swimming suit dahil bawal daw ang naka shorts at sando, dapat ay swimming trunks pag lalake at bathing suit kapag babae. Labindalawang malalaking cottages daw ang nakareserve mula Saturday night until the afternoon ng Sunday. Dalawang aircon bus naman ang binayaran na ng company para sa outing na yun na aalis mula sa designated waiting place ng around 3:00 PM, 3:30 the latest. Kahit sagot ng kumpanya ang lahat ng gastusin ay normal na sa ganitong okasyon ang magkaroon ng tokahan para sa pagdadala ng mga bagay na hindi kasama sa package at hindi available sa resort, particularly ang pagkain, pwede daw kasing magbaon ng pagkain o kaya ay mag ihaw-ihaw sa gilid ng mga cottages. Habang abala sa pagsasalita ang coordinator ay palihim kong sinulyapan si Des, seryosong seryoso sa pakikinig at bakas ko sa kanyang mga mata ang excitement. Natokahan akong magdala ng isang putahe ng manok, di naman sapilitan, pero maliit na contribution lang yun para sa ikakasaya ng grupo. Ang iba ay natokahan din at yung iba naman ay nag-volunteer ng kanilang mga specialties. Ang isang bagay na pinalakpakan ng marami ay nang sabihin ng cooordinator na pedeng magsama ng tig-dalawang myembro ng pamilya ang bawat isa sa amin. Ako lang yata ang di sang-ayon sa mungkahing yun, magiging magulo at marami ang magsi-share sa cottage, di yata matutupad ang aking pinapangarap na masolo si Des sa gabing yun.

Matapos ang briefing ay nagkanya-kanya na ng ligpit ang mga empleyado, sabik na makauwi agad sa kani-kanilang mga bahay dahil sa paghahandang gagawin. Mamimili ng mga gamit sa pagluluto at ihahanda ang mga abubot na dadalhin.

“Pre una na ko sa inyo ha, maghahanda pa kami ni misis ng dadalhin namin para bukas” si Ritchie. “Ok lang pre, kasama ba ang tsikiting mo.” “Naku oo naman, yun pa ba ang maiiwan eh di nagbubusa si misis hehe.”

Pinuntahan ko si Des sa mesa nya, “tara na sabay na tayong umuwi, daan muna tayo sa SM gusto mo? Mamili tayo ng dadalhin natin” aya ko. “Sure, pupunta nga sana ako eh, naunahan mo lang akong magsabi” nakangiting tugon ni Des.

Sa SM Makati, di magkandatuto si Des sa pamimili ng gustong bilhin para bukas, sinamahan ko sa section kung saan makakabili ng mga pampaligo at dun nag-akasaya ng oras sa pagpili ng tamang swimming suit. Pinili ang one peace suit…”wag yan, di maganda yan at di na uso, heto ang tingnan mo oh” pigil ko sabay rekomenda sa isang two peace bikini na talaga namang napakaliit. “Loko, di ko kayang isuot yan noh, parang wala na akong suot dyan eh” paismid na sagot. “O sige, pumili tayo ng iba, pero wag yung una mong pinili noh, pang manang yun” pang-aasar ko. Nagpatuloy sa pagpili, nakakita ng kulay red..”Maganda ba ito?” ang tanong. Abah mukhang ok nga, di masyadong maliit pero sigurado ako luluwa ang mga mata ng mga taong makakakita kay Des pagsuot ang two piece bikini na hawak nya. “Ayan maganda yan, kursunada ko rin para sayo, sige isukat mo na” sagot ko. Pumunta ng fitting room at dinig ko ang paglock ng pinto, sinisigurong di mapapasok sa loob. “O ano kasya ba sayo?” Pasigaw kong tanong. “Oo kasya” tugon naman nya. “Patingin nga kung kasya, mainam na yung sigurado tayo” nakangiti kong alok. “Ugok…ano ka siniswerte…doon mo na lang tingnan bukas sa swimming pool.” Hindi ako nakalusot, sayang baka ikako makascore ako ng konti kung pinayagan akong pumasok sa loob ng fitting room, at nang makita ko rin ang kabuuan ni Des pag naka swimsuit. Siguro ang seksi nya at bagay na bagay pati kulay ng napiling bikini….nasabik tuloy ako na makita sya na suot ang bikining yun. Paglabas ay nakangiting sinabihan ang saleslady na kukuhanin nya.

Pagkatapos nyang mamili ay ako naman ang sinamahan nya para sa aking mga gamit na dadalhin. Syempre, inuna ko rin ang swimming trunk, at sya ang hinayaan kong pumili ng aking susuotin. “Eto bagay na bagay sayo ang kulay” sky blue ang kanyang pinili. Marunong pumili si Des dahil yun ang aking favorite colour. Pero di bikini ang kanyang pinili, parang cycling shorts na ang kaibahan lang ay mas maiksi at makapal ng konti. “Gusto mo ba ito?” Tumango ako…”oo gusto ko yan, ang galing mong pumili ah, alam mo ang taste ko.” “Syempre noh…ako pa” pagyayabang na sagot. Kumuha ako ng size ko at binayaran sa counter.

After ng aming pamimili ay kumain kami sa foodcourt at pagkatapos ay inihatid ko na sya sa kanila. “Anong oras kita dadaanan dito bukas” tanong ko. “After lunch na, hindi na ko papasok sa office sa umaga, hindi rin naman daw kasi papasok si boss…tapos deretso na tayo sa waiting place.” “Ok you’re the boss” bola ko. “Sus boss ka dyan, sige na bye..ingat ka sa pagda drive ha.” Dinampian ako ng halik sa pisngi at bumaba ng auto.

Pagdating ko ng bahay ay inapuhap ko agad ang telepono at tinawagan ko si Anne. “Hello” tinig ng malambing na boses sa kabilang linya. “Hello Anne.” “Carmsss..” pasigaw na ganti ni Anne, halatang sumigla. “Buti naman napatawag ka, namimiss na kita eh.” “I miss you too Anne.” “Maglalaro ba tayo bukas? Anong oras mo gusto akong pumunta sa laruan? May lakad ba tayo after ng game?” mga sunod-sunod na tanong ni Anne. “Di pwede bukas Anne, may conference ang key staff ng company namin sa Baguio at ang big boss ang magpe-preside kaya di pwedeng di umattend. Two days and one night kami dun” pagsisinungaling ko. “Ganun ba, akala ko pa naman eh makakasama na ulit kita bukas” may lungkot ang tono ni Anne. “Di bale, next week babawi ako, kahit maghapon at magdamagan tayo sa pamamasyal.” “Talaga? Ok kung di ka pede bukas eh di maghintay na lang ako next week. Mag-ingat ka na lang pagpunta nyo ng Baguio.” Matapos ang halos kalahating oras naming pag-uusap ay sandali akong nahiga sa kama upang magmuni-muni, bago magbihis at kumain. Maunawain din pala si Anne sa loob-loob ko at parang may kumurot sa aking kunsyensya nang sandaling yun.

Ang waiting place ay sa isang vacant lot lang na katapat ng aming opisina. Mag-aalas tres nang makarating kami ni Des sa tagpuan, nandun na ang dalawang bus at marami ng tao na nag-aayos ng mga bibit. Ang iba ay may kasamang bata, ang iba ay kasama ang kanilang mga syota, at ang iba naman ay kasama ang kanilang mga asawa. Nandun na rin sina Ritchie at pamilya nya, si Joseph ay wala pa, siguro ay na traffic na naman, taga Novaliches kasi. Puno na ang isang bus, at ang isa naman ay halos mangalahati na. Ipinarada ko muna ang aking auto sa parking lot na sakop ng building ng aming opisina at saka ibinaba namin ni Des ang aming mga abubot at inayos sa compartment sa tagiliran ng bus, maliban sa mga personal na bagay na aming bitbit.

Nakashort na bulaklakin lang si Des na medyo may kaluwagan ang laylayan, bagay na bagay sa kanya, lumitaw ang kakinisan ng kanyang hita na dinekorasyunan ng balahibong pusa na lalong tumitingkad pag natatamaan ng sikat ng araw. Nakaka-el talaga. Dahil nga sa halos puno na ang ikalawang bus ay doon kami napunta ni Des sa pinakadulo na kung tawagin ng mga commuters ay kusina…na ang upuan ay nasa ibabaw ng makina. Pumuwesto si Des sa may bintana sa kaliwang bahagi, sumunod ako sa tabi nya, at ang natitirang ispasyo ay nilagyan ng mga gamit na hindi nagkasya sa compartment sa tagiliran ng bus, sa madaling salita ay kami lang ni Des ang nasa upuan sa dulo ng sasakyan kasama ng mga bag, kahon, at ibat-ibang abubot. Halata kong hindi komportable si Des sa aming pwesto, sino nga ba naman ang magiging komportable dun eh makina ang nasa pwet namin, bukod sa maingay na eh mainit pa, buti na lang at may aircon, kung wala…baka maging tustadong itlog at hotdog ang alaga ko hahaha. Pero sa isang banda ng aking isip eh gusto ko na rin ang kinalalagyan namin dahil walang makakakita sa ibabang parte ng aming katawan, natatakpan kasi ng mataas na sandalan ng upuan, baka sakaling maka-score habang bumibiyahe. Buti na lang at nasa kabilang bus si Ritchie at ang pamilya nya, si Joseph at ang kasamang GF naman ay nasa bandang gitna, ibig sabihin walang panggulo sa aming pwesto.

Makalipas ang ilang sandali ay gumalaw na ang bus, unti-unting umusad, bumilis nang bumilis. Hindi naman magkamayaw ang mga sakay sa pagkukuwentuhan at di maitagong kasiyahan lalo na ang mga bata na sa sobrang excitement eh panay ang sigawan kahit inaawat ng kani-kanilang mga magulang.

Medyo mabilis ang aming usad, walang masyadong traffic lalo na nang makapasok ang bus sa South Superhighway. Binuksan ng kasamang kundoktor ng bus ang TV na nasa ulunang bahagi ng driver, nagsalang ng pelikula...”Harry Potter”. Umangat ang ulo ni Des, mukhang kursunada ang isinalang na movie, itinutok ang mga mata sa palabas.

Nasa kahabaan kami ng SLEX sa may Paranaque, humilig sa balikat ko ang ulo ni Des, naalala ko tuloy ang aming nakaraan ng ma-traffic kami sa may Roxas Blvd. Kinapa ko ang malambot na kamay ni Des, malamig…dahil siguro sa malakas na buga ng aircon na nakatutok sa amin. Ipinailalim nya ang kanyang braso sa akin at saka inilapat ang kanyang palad sa aking kamay nang mahigpit saka muling sumandig sa akin. Nakapatong ang aming mga kamay sa kanyang kandungan kaya damang-dama ko ang lambot ng kanyang hita at ng kanyang suso na dumudunggol sa aking siko, amoy na amoy ko ang banayad na simoy ng kanyang pabango. Namputsa tinigasan ako.

Pinakiramdaman ko si Des, mataman pa ring nanonood sa palabas. Ang mga kasamahan naman namin ay nagsitahimikan na, ang iba ay nanonood, ang iba ay nagbabasa ng pocket book, at ang mga bata ay nakatulog na yata. Pinisil ko ang kamay ni Des, pumisil din…binulungan ko sa tenga…”I love you Des”….”I love you rin” ang ganti. Habang magkahawak ang aming kamay ay di mapigilan ng isa kong kamay na gumapang, isinuot ko sa aking kili-kili at mula doon ay pilit na inaabot ang kanang bahagi ng dibdib ni Des. Nakapa ko ang braso, napatingin si Des sa akin, inusad ko pa ng konti ang aking kamay, sapul sa dibdib. “Ano ka ba, baka may makakita” bulong nya, pero di naman ako pinipigil. May naisip akong paraan, kinuha ko ang aking jacket na inilagay ko sa sandalan ng upuan, ikinumot ko sa harapan ni Des na noon ay totoong nagiginaw dahil sa lakas ng aircon. “Ayan di na halata” anas ko sa kanya. “Ikaw talaga lahat ng paraan kayang gawin pagdating sa kapilyuhan” kinurot na naman ako ng walang sakit.

Ibinalik ko ang dating posisyon, pumailalim sa jacket ang aking kamay at gumapang sa dibdib ni Des. Natutuyuan ako ng laway sa nadarama kong libog. Sinakmal ng aking palad ang umbok ng suso ni Des, piniga ko iyon upang madama ang laman. Sagabal talaga ang bra na kahit may kanipisan ay isang malaking hadlang pa rin dahil gusto kong mahaplos ang kanyang suso ng balat sa balat. Dahil nga sa hindi ako masiyahan ng ganun na lamang ay ibinaba ko ang aking kamay sa laylayan ng kanyang t-shirt, isinuot ko duon at saka muling pumaitaas kasama ang kanyang t-shirt. Pinipigilan ng isa nyang kamay ang aking ginagawa, marahil ay nag-aalala na biglang bumagsak ang jacket na nakatakip sa kanya, tiyak nga naman na makikitang nakadakot ako sa kanyang suso, nakakahiya. Ngunit wala na yata sa sarili ang aking kamay, ayaw paawat, tuloy-tuloy na pumaitaas pa hanggang sa maabot ang gustong maabot. Walang nagawa si Des kundi ang alalayan ang jacket ng isa nyang kamay upang di dumulas pababa. Nagawang makasuot ng aking daliri sa ilalim ng bra ni Des at pumaloob pati ang aking palad, nasapo ko ang mainit na suso ni Des, napabuntong-hininga sya. Ang sarap talagang dakutin ng suso ni Des...nagalit nang husto ang aking alaga, namukol sa harapan ng suot kong jogging pants. Dama ko ang mga galaw ni Des na parang di mapakali, at alam ko kung bakit, di maidaing ang sarap na gawa ng aking palad sa kanyang suso dahil maririnig ng nasa unahan ng aming upuan. Kaya nagkasya na lamang sya sa pagkislot-kislot ng kanyang katawan at pagkagat-labi. Itinaas ko ang bra na nakaharang, umangat naman hanggang makawala ang dalawang bundok na piniproteksyonan. Napapakurot si Des sa aking kamay kapag nasasaling ng aking daliri ang kanyang utong na noon ay tigas na tigas na. Halos di makapagsalita si Des, na kung minsan ay isinasandal ang kanyang noo sa sandalan ng upuan sa unahan at pagkatapos ay biglang sasandal sa akin na parang bata na di mo malaman kung ano ang gusto. Alam ko nalilibugan na rin si Des. Pinagbuti ko ang pagkapa, iniusad ko pa ang aking kamay sa loob ng t-shirt, pilit na inabot ang kabilang bahagi ng dibdib at nang maabot ko ay pandalas na lamas at dakot ang aking ginawa magkabila. Di yata mapigilan ni Des ang nararamdaman, nakarinig ako ng mahinang ingit, pigil na pigil na sinasabayan ng malalalim na paghinga. Matagal ko ring pinagpasasaan ang kanyang mga suso habang tumatakbo ang sasakyan, salamat sa tulong ng aking jacket.

Nasa may Alabang na kami ng alisin ko ang aking kamay sa kanyang dibdib, napakapit sa aking braso si Des, kinurot ako sabay bulong sa aking tenga…”yung bra ko ibalik mo.” Bumulong din ako “mamaya na pagmalapit na tayo.” Hindi na sumagot, sinaklit ang braso ko at sumandal na lang ulit sa aking balikat. Habang nakasandig sa akin ay napatingin sa ibabang bahagi ng aking katawan, “ano yang nakabukol na yan” at saka inginuso ang aking harapan. Tiningnan ko, di pala natakpan ng laylayan ng jacket, ang aking kargada nakaumbok sa galit. “Baon ko yan” nakangisi kong sagot. Napahagikgik at pinagkukurot ako. Gusto ko sanang halikan pero tiyak na makikita kami ng mga nakaupo sa gawing kanan namin. Pero mainit na mainit na ako, parang may lava sa loob ng aking katawan na nagpapausok sa buo ko pagkatao. At dahil nga sa libog ay hindi ko na napigil ang aking sarili, bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang kamay, ibinaling ko ng konti ang aking katawan paharap sa bintana at saka ipinatong ko ang aking palad sa kanyang makinis hita na ang parteng itaas ay natatabingan ng jacket. Humawak ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking palad, waring alam ang nasa aking isip at humanda sa pag-apula ng anumang pagtatangka na aking gagawin sa parteng iyon ng kanyang katawan.

Ngunit sadyang may paninindigan si Carms baby pagdating sa larangan ng kalibugan …umusad papaitaas ang aking kamay habang humahaplos sa malambot nyang hita at kahit anong pigil ang kanyang gawin ay parang palos na tuloy-tuloy na dumausdos hanggang sa kanyang singit. Wala syang nagawa kundi isubsob ang kanyang ulo sa aking balikat at humanda sa pagsalakay ng aking kamay sa kanyang kaangkinan.

Hindi ko inapura, marahan kong hinimas-himas ang malambot na parte ng kanyang hita malapit sa singit. Naroon pa rin ang kanyang kamay na umaalalay sa aking braso parang naniniyak na hindi lalagpas sa border line ang aking kapangahasan. Isiniksik ko ang aking daliri sa kanyang singit, humimpil doon ng ilang segundo at saka kumilos ng pabalik-balik. Hindi ako nasiyahan, isinuksok ko ang aking hintuturo sa laylayan ng kanyang panty sa singit, hinawi ang maliit na garter at pinausad ko papasok sa loob. Pinagdikit ni Des ang kanyang hita, naipit ang aking kamay na halos di makagalaw pati ang aking daliri sa loob ng kanyang panty. Inikot-ikot ko ang aking kamay na parang barena upang lumuwag ang pagkakaipit ng kanyang hita at tuluyang makapasok hanggang doon sa madamong bahagi na tinatabingan ng kanyang panty, nasalat ko ang manipis na bahagi ng kanyang bulbol. Kasabay noon ay kinuyumos ng kanyang kamay ang aking braso, ewan ko kung nasasarapan o tutol sa aking ginagawa…pero ayaw namang magsalita kahit pabulong lang. Ngunit sadyang mahigpit ang pagkakakipit ng kanyang hita at halos isang daliri lang ang napapagalaw ko sa loob.

Iniba ko ang strategy, inalis ko ang aking kamay sa kanyang singit, ipinaloob ko sa laylayan ng kanyang t-shirt at inapuhap ang garter ng kanyang shorts. Napatingin sa akin si Des, nagtitigan kami…eyeball to eyeball…waring nagtatanong kung ano ang aking binabalak. Hindi ako kumibo, isinuot ko ang aking daliri sa garter ng kanyang shorts at tuloy tuloy na humulagpos ang aking kamay papasok hanggang sa makapa ko ang kaumbukan ng kanyang pagkababae. Manipis ang suot nyang panty at may kadulasan ang tela. Ipinatong ko sa tuktok ang aking mainit na palad at dinakot ko ang kabuuan niyon. Napakurot si Des sa aking braso, itinukod ang ulo sa aking balikat. Halata ko ang paghabol ng kanyang hininga dahil sa abnormal na taas baba ng kanyang tiyan at tunog ng hangin na nagmumula sa kanyang ilong. Hinagod ko ng aking palad ang umbok, pabalik-balik. Itinapat ko sa pinaka hiwa ang aking gitnang daliri at doon naglaro, nagpadausdos ng paroot-parito. “Hmmppttttt…” impit na ingit ni Des kasabay ng mababaw na pagbaon ng mga kuko sa aking braso.

Di nagtagal ay naramdaman ko ang marahang paghihiwalay ng kanyang hita, mukhang nasarapan si Des at nagpapaubaya na. Sinamantala ko ang pagkakataon, hinila ko ang aking kamay pataas at isinuot sa garter ng kanyang panty, ramdam ko ang mahinang pagpigil ni Des sa aking braso, ngunit di yun sapat upang pigilin ang nag-aalimpuyong init sa aking katawan ng mga sandaling yuon. Isinuksok ko pababa ang aking kamay, sinudsod ang manipis na bulbol sa pisngi ng kanyang kaselanan. Napapitlag si Des, di malaman kung ano ang gagawin, di na nya kaya pang hugutin ang aking kamay na nasa pusod na ng kanyang kagubatan. Alam nyang di na nya mapipigil pa ang kapusukan ng aking kamay kaya nagkasya na lamang sya sa pagkurot-kurot sa aking braso at panaka-nakang pagkagat sa laylayan ng manggas ng aking t-shirt.

Basang-basa na ang kanal ng kanyang puday na nagpadulas sa aking mga daliri. Sa pagkakataong iyon ay naging maingat ako sa pagsalakay, ayaw kong masaktan kahit konti ang kanyang hiyas, gusto kong puro sarap lang ang kanyang maramdaman. Masarap damhin ang puke ni Des, di masyadong matambok, di malaki at di rin naman maliit, malambot ang mga pisngi, parang perpekto ang pagkakalilok at kasyang kasya sa aking palad, sakop lahat sa aking pagkakadakot.

Noon ko naramdaman ang paglalaway ng aking alaga na tirik na tirik, parang teksas na panay ang tilaok na handang harapin sinuman ang mangahas na humamon sa kanyang pagkalalake. Kinuha ko ng isa kong kamay ang kamay ni Des na kumukurot sa aking braso, saka ko ipinatong sa aking tarugo na namumukol sa aking harapan. Nang mahawakan nya ang matigas kong batuta ay biglang binawi ang kanyang kamay at ibinalik sa pagkurot sa aking braso, tiningnan ako na para bagang nagsusumamo. Kung pede ko lang halikan si Des ng mga oras na yun ay ginawa ko na, kay sarap lamukusin ng kanyang mga labi na parang nagmamaktol. Hindi ko na pinilit na hawakan nya ang aking ari, pinag-ibayo ko na lamang ang pagsalat at paghagod sa kanyang cute na pagkababae. Ipinirmi ko ang pagdakot ng aking palad sa kanyang ari at saka ko pinadulas ang aking gitnang daliri sa biyak at binaybay ang munting kanal duon. Sinalat-salat ko ang tinggil na lalong nagbigay ng matinding sarap na halos ikabaliw nya. Dahil sa walang outlet upang ibulalas ang sarap na nararamdaman ay ang braso ko ang napagdiskitahan, panay ang hatak, kalmot, lapirot at kung minsan ay kagat ang aking inabot. Pero di naman ako nasasaktan kahit kita ko na namumula na ang parteng kanyang pinanggigigilan…sa halip ay nasasarapan ako sa kanyang mga reaksyon na lalong nagpapa-ulol sa aking alaga.

Matulin ang takbo ng bus na noon ay malapit na sa dulo ng SLEX. Nakababad pa rin ang kamay ko sa loob ng panty ni Des na natatakpan pa rin ng jacket upang walang makapansin sa aming ginagawa ng mga sandaling iyon. Naglalawa na rin sa masaganang katas ang kanyang puke na isinusuka ng kanyang lagusan. Sinubukan kong idako ang aking daliri sa parte kung saan naroon ang butas ng kanyang hiyas. Itinapat ko ang dulo ng aking daliri at saka ko dahan-dahang pinadulas sa bukana at nagtangkang pumasok sa loob ng kweba. Napa-angat ang pwet ni Des at di napigilan ang mapa ingit. Huminto ako ngunit di ko inalis, pinakiramdaman ko si Des. Pandalas ang kanyang paghinga, maya-maya ay bumulong sa akin…”Carmelo wag plsss…baka magdugo.”

Namilog ang mga mata ko sa narinig, baka daw magdugo, ibig bang sabihin birhen pa sya? Di sya nagalaw ng una nyang naging boyfriend na kagaya ni Anne? Parang di ako makapaniwala….pero di ko inaalis ang posibilidad na nagsasabi ng totoo si Des. Kilala ko naman kasi sya mula pa sa simula ng aming pagkikilala, hindi sinungaling na tao at may prinsipyo sa buhay.

Naawa naman ako, pinakalma ko ang aking init kahit pilit at inalis ko ang aking kamay sa panty ni Des. Pero hindi kahulugan noon ay kinalimutan ko na ang aking iniisip na may masarap na mangyayari sa amin mamayang gabi pagdating sa aming patutunguhan. Hinayaan kong mag-ayos ng sarili si Des, hinawakan ko ang jacket at tinakpan sya habang ibinabalik ang kanyang nakausos na bra. Nang matapos ay umayos kami ng upo at hinayaan ko syang umidlip ng magkahawak ang aming mga kamay.

Mag-aalas sais nang kami ay dumating sa resort. Matapos maayos ng coordinator ang lahat ay kanya-kanya nang babaan ng mga gamit at nag-uunahang sumunod sa empleyedo ng resort upang makakuha ng magandang pwesto sa cottage. Halos tig-walo ang umukopa sa bawat cottage, di naman siksikan dahil malaki ang sala at may tig-tatlong maliliit na kuwarto. Kasama namin ni Des sa isang cottage sina Ritchie & family, Joseph at GF nya, at ang isa pa naming ka-empleyong si Michael kasama ang isang batang pamangking babae.

Kinuha ni Ritchie ang kuwarto malapit sa pintuan, si Joseph naman ay yung sa gitna na katabi ng CR, at ako naman ay yung nasa dulo. Inalok namin si Michael na sumama na lang sa amin sa room, pero ayaw at sa halip ay kinuha yung pwesto sa sulok na sakop ng sala. Sabagay mukhang maaliwalas dun dahil katabi ng malaking bintana na tagusan ang hangin. Ang kwarto namin ni Des ay medyo maliit, may bintana na sapat ang laki upang pumasok ang malamig na simoy ng hangin. May maliit na kama pero kasya ang dalawang tao, may comporter at sa ibabaw ay nalalatagan ng kulay puting bed sheet. Ok na ok ang set-up ng munting silid na yun para sa aming dalawa ni Des.

Inihilera namin ni Des ang aming gamit sa gilid ng kama at pagkatapos ay nagyayang mamasyal sa ibaba upang mabistahan ang lugar. Kasabay naming bumaba sina Joseph at Gigi (GF nya). Naglakad-lakad kami sa paligid at nag-usyoso.

Malawak ang lugar, malinis at maaliwalas. Halos puno ng naggagandahang halaman ang bawat landas na nagsusugpong sa mga atraksiyon sa lugar na puntahan ng mga tao. Sa ibaba ay may maliliit na cottages na walang dingding, may mga tables at sementong kalan na pwedeng paglutuan at pag-ihawan. Sa bandang ibaba pa ay matatagpuan ang swimming pools. Anim na maliliit, dalawa ay may dumadaloy na tubig mula sa natural hot spring. Ang nasa gitna ay ang pinakamalaki sa lahat, boble yata ang laki kesa sa olympic size pool. Marami-rami pa rin ang naliligo kahit pagabi na, siguro ay night swimming din ang mga ito, sa isip ko.

Tuwang-tuwa si Des sa mga pools, ang cute kasing tingnan, yung malaki ang pinaka-katawan, yung dalawa ay parang mga hita, yung dalawa naman ay parang mga braso, yung isang maliit sa ituktok ay parang ulo, at yung maliit sa ibaba ay parang mahabang tarugo…hahaha. Panay ang kurot sa akin ni Des nung i-describe ko sa kanya ang meaning ng pagkakagawa ng mga pool na parang abstract.

Maya-maya pa ay kagulo na ang aming mga kasamahan, may nagtakbuhan na papuntang pool bitbit ang kanilang mga inakay, ang iba naman ay iginayak ang mga dalang lulutuin at iihawin. Doon sa mahabang mesa ng isang malaking cottage na walang dingding ay inilatag ng coordinator ang dalawang litsong baboy na dala at pinagkaabalahang tadtarin ng kasamahan namin from maintenance department. Kinuha na rin namin ni Des ang aming contribution at inilagay sa pulutong ng mga pagkain, beer at softdrinks…ganun din ang ginawa ng iba pa.

Bihis na ng pampaligo sina Joseph at Gigi, ganun din sina Ritchie. Makinis rin pala ang GF ni Joseph pag naka swimsuit, medyo chubby nga lang ng konti. “Tara Des bihis na tayo ng pampaligo” aya ko. “Sige…ako muna ha.” Tumango ako at nagtuloy si Des sa cottage upang magbihis ng pampaligo. Paglabas ni Des ng kwarto ay naka t-shirt ng maluwang hanggang hita bitbit ang tuwalya, pero alam ko suot ang pulang bikini na aming binili sa SM. Maginaw nga naman kung di sya mag-ti-t-shirt muna. Nagbihis na rin ako ng trunk at nag t-shirt din, tapos ay uminom muna kami ng tig-isang beer ni Joseph at saka sabay-sabay kaming pumunta ng pool.

Pagdating paliguan ay tumalon agad sina Joseph at Gigi, mga sabik na sabik sa paglangoy. Nasa tubig na rin sa maliit na pool sina Ritchie at ang pamilya nya, walang pagsidlan sa tuwa ang kanyang anak. Umupo muna kami ni Des sa upuan sa gilid ng malaking pool at sandaling nanood ng nagsisipaglanguyan. “Des, Carms…tara talon na kayo, ang sarap ng tubig hindi malamig” sigaw ni Joseph. Nagkatinginan kami ni Des…”ano sweetie pie ligo na tayo?” tanong ko. “Sige” nakangiting sagot. Saka pumunta sa kalapit na shower room at nang lumabas ay halos lumuwa ang mata ng mga kalalakihan sa mala dyosang kagandahan ni Des habang papalapit ng pool. Seksing-seksi sa suot na pulang bikini, ang liit ng beywang, flat ang puson, parang kontestant ng isang beauty pageant.

Maging ako ay napalunok ng laway at halos matulala nang makita sya, napakaganda pala ni Des pag naka bikini, noon ko lang nakita…tulo laway ko, super seksi at pang-modelo ang katawan, grabe pala sa kinis…grrrrrrrr…panggigigil ko. Syempre taas naman ang noo ko noh, syota ko yata ang pinagkakaguluhan ng kanilang mga mata. “Hoy….tara na ligo na tayo, ano pa tinutunganga mo dyan, baka mahipan ka ng hangin” at dinilaan ako. Mabilis kong hinubad ang aking t-shirt at buong kayabangang hinawakan si Des sa kamay upang sabay kaming lumusong sa pool. Patay sa inggit ang mga lalake sa pool kay Carms baby, sa isip ko.

Sa mababaw lang kami naglagi ni Des, hanggang dibdib. Di pa kasi sya masyadong marunong lumangoy kaya kuntodo turo naman ako. Maliwanag ang ilaw na nakatutok sa swimming pool kaya no way para maka-score ako sa tubig, frustrated ang aking manok na noon ay nakataas ang ulo sa galit…ganun pa man ay syempre nahihipo ko rin ang maseselang bahagi ng katawan ni Des kapag sinasalo ko at inilulutang sa tubig.

May katagalan din kaming nagtampisaw sa tubig…”Carms…Des…kakain na daw, tara na mamaya na ulit kayo maligo” si Joseph. Napilitan kaming umahon ni Des, sabagay medyo lumalamig na ang tubig, at mas maginaw pag-ahon dahil sa ihip ng malamig na hangin, kaya deretso kami ni Des sa shower room at nagshower bago tumuloy sa cottage at nagbihis.

Kagulo ang mga kasamahan namin sa pagkuha ng pagkain na nakalatag sa mahabang mesa, pero masaya. Ikinuha ko si Des ng litson, inihaw na bangus, kalderatang manok na dala ko, at iba pang putahe. Grabe ang daming klase ng ulam, magsasawa ka talaga. Nabusog yata ang mata ko kaya halos konti lang ang nakain ko ng gabing yun. Habang kumakain ay tampulan naman kami ni Des ng tukso lalo na yung mga mapag-usyosong mga mata at may kakatihan ang dila. Bagay na bagay daw kami at sana daw ay maging kami na. Kita ko si Des pangiti-ngiti lang na namumula, di ko alam kung sa hiya o sa tuwa.

Matapos ang kainan ay nagkaroon ng games na kasama pala sa programa…masayang-masaya ang mga bata. Ang iba naman ay nag-inuman ng beer habang nagkukwentuhan. Hating-gabi na nang matapos ang kasayahan at nagkanya-kanya na ng ligpit at paghahanda sa pagtulog. Yun ang kanina ko pa hinihintay sa totoo lang hehe.

Matapos magtoothbrush ay pumasok na si Des sa kwarto. Syempre kailangan eh mabango rin ako dahil for the first time ay makakatabi ko si Des sa pagtulog…excited ako. So, nagtoothbrush din ako at nagpahid ng konting pabangong panlalake bago pumasok ng kwarto. Bukas ang mapulang ilaw ng bumbilya na nasa ceiling, naka pajama si Des, nakahiga nang patagilid paharap sa dingding. Kumakabog ang aking dibdib sa kasabikan…sa wakas nasolo ko rin si Des, humiga ako ng patihaya, pinakiramdaman ko sya…hindi gumagalaw, tulog na yata…sa isip ko. Tumagilid din ako ng paharap sa kanya, ang cute ni Des sa gayung ayos, mabilog ang pwet at bakat na bakat ang panty…tinigasan agad ako, umumbok sa suot kong maluwang na puruntong. Tinesting ko kung tulog na o nagtutulug-tulugan lang, isinampay ko ang aking kamay sa kanyang tagiliran…hmm hindi kumilos. Lumapit pa ko ng konti hanggang sa madikit ang aking harapan sa kanyang likuran. Inamoy ko ang kanyang buhok.. hmmmm ang bango. Bumiling patihaya…”umusod ka nga dun baka mahulog ako” ang sabi. Nagtutulug-tulugan nga hehe. Umusod ako ng konti. “Inaantok ka na?” bulong ko. “Medyo” mahina nyang tugon. Habang nakatihaya ay tinitigan ko ang kanyang maamong mukha, nakahalata yata, lumingon…”bakit mo ko tinititigan ng ganyan.” “Wala gandang-ganda lang ako sayo.” “Hoy Carmelo wag mo na kong bolahin…matulog ka na nga.” “Totoo sinasabi ko sayo, kanina nga nung nasa pool tayo, ipinagmamalaki kita akala mo, at very proud ako dahil kasama kita.” “Asus…grabe ka na ha, totoo ba yan” paniguro nyang tanong. “Oo naman cross my heart.” Napangiti…ayos na ang buto-buto hehe.

No comments: