Part 1
Malungkot akong nakamasid sa mga taong nasa pier habang dahan-dahang lumalayo ang barkong sinasakyan ko. Nakita ko si Inay, nakayuko at tipong pilit na itinatago ang kanyang mukha para hindi ko makita ang kanyang pagluha, kumakaway. May mga taong umiiyak, meron namang nagtatawanan. Merong nagpapaalam, merong nagtatakip ng kanyang mata para makaiwas sa sinag ng araw sa kanyang mga mata. Nagtatakbuhan ang ilang mga bata sa pantalan, humahabol sa mabagal na pag-atras ng sinasakyan ko. Sumilbato ng malakas ang barko, tanda ng aming paglisan. Nagising ako sa aking pagmumuni-muni.
Ilang buwan lang ang nakalipas mula nang ako ay magtapos sa high school. Narinig kong pinag-uusapan ng aking mga magulang kung ano ang puede nilang gawin para maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. "Kailangan natin ng malaking pera para mag-kolehiyo si Merly," ang sabi ni Tatay. "Pero sa trabaho kong ito, masuwerte na lang kung kitain ko kahit ang pangtawid gutom man lang nating lahat."
Anim kaming magkakapatid. Ako ang panganay. Ang bunso kong kapatid ay tatlong taon pa lang. Katatapos ko lang mag-bertdey noong nakaraang buwan. Labing walong taon. Dapat daw ay naghanda dahil dalaga na ako. Kahit kelan, hindi ako nakaranas na maghanda sa bertdey ko. Ngayon pa kaya? Ang sabi ni Inay, nakausap daw niya yung pinsan niyang nasa Maynila, matutulungan daw akong mabigyan ng trabaho. Naku, malakas daw kumita yun. Yun ngang bahay nila sa kabilang ibayo, naipagawa niyang kahoy ang dinding at semento ang haligi. Hindi tulad nang dati na barung-barong lang. Kaya pag-asa ni Inay na kung makakapagtrabaho rin ako sa Maynila, baka humusay din ang buhay namin. Sana nga, gusto ko ring mabigyan ng maayos na buhay sila Inay at ang aking mga kapatid. Hindi naman kami nagugutom pero tingnan nyo, tulad ng suot ko ngayon, luma na ay may punit pa ang palda ko. Buti na lang nabigyan ako ng blusa ng kapitbahay naming si Aling Choleng. Naawa siguro nang malaman niyang paalis ako't walang maayos na damit man lang. Ang pamasahe ko ay inutang ni Itay sa kanyang kumpare. Limang daang piso hanggang Maynila. Kailangang bayaran daw sa lalong madaling panahon dahil gagamitin ang pera para pambili ng palay para sa susunod na patanim. Limang daang piso? Kaya ko kayang kitain agad iyon? Ah, bahala na. Ang importante ay makarating ako sa Maynila. Naroon daw ang buhay at sa isang probinsiyanang tulad ko, masuerte na ako't makikita ko ang sika na pook na iyon. Nalulungkot akong naglalakbay na mag-isa pero isang gabi lang sa barko, naroon na ako.
Kinabukasan, nagisnan kong nag-iingay at magulo ang mga kapwa kong pasahero sa barko. Malapit na raw kami sa Maynila. Ilang oras na lang. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Ah, maliwanag na. Nakatulog akong suot pa rin ang palda't blusang gamit ko mula nang umalis ako sa amin. Di bale, ilang oras lang naman ang biyahe. Yung maliit kong bag na pinaglagyan ng ilan ko pang mga damit ang siya kong ginawang unan kagabi. Dahil mura lang ang aking bayad, teheras lang ang aking hinigaan. Natigil ang aking pagmumuni-muni nang maramdaman kong merong nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo at nakita kong nalilis pala ang palda ko habang ako'y tulog. Nakita tuloy yung hita ko. Itinuwid ko ang aking tingin at napansin ko na yung isang lalaki na nakahiga sa gawing harap ko ay nakatingin sa akin. Nang ayusin ko ang aking palda, nakita kong biglang iwas din ng kanyang tingin. Salbahe. Ano kayang nakita niya? Ang walanghiya, matagal na sigurong nagpiyesta ang kanyang mga mata sa natambad na parte ng katawan ko.
Medyo inis akong bumangon. Dala ang bag ko, nagpunta ako sa banyo. Makapaligo na nga, tutal malapit na rin lang pala kaming dumating. Pagpasok ko sa banyo, may nakita agad akong bakanteng paliguan. Pumasok ako't naghanap ng puedeng pagsabitan ng aking gamit. May pakong nakausli sa likod ng pintuan at doon ko isinabit ang aking bag. Sa loob ng paliguan ay may maliit na lagayan ng sabon na halosmangitim na sa pag gamit ng karamihan. Inilagay ko dito ang maliit na sabong dala ko. Sinubukan ko ang gripo. Ay, may tumutulong tubig. Nakakatuwa dahil sa bayan namin, walang gripo. Ang tubig ay kinukuha namin galing sa balon o di kaya ay sa poso. Dito pa lang sa barko, mukhang nagugustuhan ko na ang pupuntahan ko. Tumingin ako sa kabilang dako ng paliguan at nakita koang isang malaking salamin na nakadikit sa dingding. Kita ko ang buo kong katawan, mula ulo hanggang paa, bagama't may kadiliman ng konte ang ilaw. Hinubad ko ang aking suot. Una kong tinanggal ang aking blusa at bra. Isinunod ko ang aking palda't panty. Napatingin ako sa salamin at nakita kong malaki na pala ang ipinagbago ng aking katawan. Hindi na ako si neneng na binibiro-biro ni Inay. Malaki ang aking dibdib kung ihahambing sa ibang kaedad ko at maganda ang hubog ng aking katawan. Nakuha ko ang kutis ni Inay na medyo mestisa. Mapusyaw ang aking kulay at kung totoo ang sabi nila, pagdating ko daw sa Maynila, lalo pa akong puputi. Maikli ang aking buhok na pinaputulan ko sa pinsan kong marunong gumupit bago ako umalis sa amin. Maliit ngunit di pango ang aking ilong, nakuha ko pa rin kay Nanay. Medyo may maliliit na pekas nga lang ang ilalim ng aking mga mata pero ang sabi nila, mawawala naman daw ito pagdating ng araw.
Bunuksan ko ang shower at masarap kong binasa ang buo kong katawan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento